“huh? bakit?”
“nakatulala ka lang naman kasi dyan! para akong nakikipagusap sa hangin, mabuti pa nga yung hangin nagpaparamdam eh, e ikaw? para kang estatwa dyan na nakatulala sa kawalan! ano bang nangyayari sayo?”
“hindi ah” depensa ko sabay kalikot sa kung anong meron sa harap ko
“hoy babae! sabihin mo nga totoo saken”
“anong sasabihin ko naman Grace?” tanong ko sa kanya
“abay malay ko ba kung anong bumubulabog sa isip mo?”
“wala nga..” sagot ko
“ay naku ewan ko sayo! napaka selfish mo!”
“ako selfish? adik ka ba talaga?”
“ewan ko sayo!” sigaw nya sabay walk out
“baliw!” sigaw ko din naman, tinotopak na naman yung si Grace
“ay nga pala, may pumunta kagabi na customer may ipipick up ata dapat na pictures, kaso saktong nakaalis ka na nung dumating sya.. baka babalik mamaya para kunin” sabi nya habang nakadungaw
“sige, salamat” yun lang sagot ko..
masyado akong tinatamad ngayong araw kahit alam kong nandito na si Pedro sa Pinas parang biglang ayaw ko syang hanapin.. e kasi, hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung pano ako aamin
tsaka, pano pag tinanong nya kung kelan ko pa naramdaman to? anong isasagot ko? ay kafrustrate!
tanghali na nga pala kami nagbubukas ni Grace, sigurado naman kasing walang pupunta pag umaga.. kaya ayun, tanghali hanggang gabi na lang kami open
tumayo ako at kinuha ang camera ko
nadaanan ko si Grace sa table nya
“Jamieeeee!! san ka na naman pupunta teh?! ”
“ano ba Grace? para ka namang baliw pag nawala ako sa paningin mo”
“e emotera ka kaya! malay ko baka tumalon ka na lang dyan sa tulay!”
napangiti ako bigla, naalala ko si Pedro nung una kaming nagkita
“hooy! ano yan?!” tanong nya sabay tayo saka lumapit saken
“alin?” tanong ko
“yang ngiti na yan? hmm, ikaw ha?”
“ewan ko ba sayo Grace, ang hirap mo intindihing tao ka!” bulyaw ko sakanya saka lumakad palabas
“teka teka! oi Jamie, gwapo yung customer kagabi, akin na lang yun ha?” napatigil ako sa sinabi nya
nilingon ko sya “para namang gamit yung customer, tsaka kilalanin mo muna yung tao pwede? akin akin ka dyan” iling kong sermon sa kanya
“eee! basta Jamie ha? may Pedro ka naman na eh, hintayin mo na lang yun! malay mo mabaliw din ang langit papuntahin sya dito sa Pilipinas, o diba? edi happy together tayong apat”
“echusera ka Grace, pumasok ka na lang dyan sa loob at magbantay, babalik din ako mamaya”
haaay! Grace, kung alam mo lang, nabaliw na nga ang langit at pinapunta sya dito sa Pinas, yun lang hindi ko alam kung saan
naglalakad lakad lang ako, uupo sa isang bench titingin sa paligid, pag may ilang mga tao nang katabi aalis tapos lakad uli
ganito lang naman ginagawa ko para mag unwind eh, masaya na ako sa mga simpleng bagay lang.
sabi nga, mababaw ang kaligayahan ko. simula nung mag resign ako sa dati kong trabaho at mag tayo ng sarili kong studio, hindi na ganun katindi yung pressure na dinadala ko, mas naeenjoy ko na ang araw araw ko.
sa paglalakad ko, isang shot lang ang kukunin ko, yun yung scene na nagkalat na ang liwanag ng araw sa kalangitan -- ang sunset. isang shot lang.. ke panget o maganda isang shot lang talaga, ewan ko kung bakit nakagawian ko na eh.. tapos idinadagdag ko sa collage ko dun sa studio
pagkatapos kong kumuha ng picture ng langit naglakad na ako pabalik sa studio
“ay! ayan na pala si boss!” bungad ni Grace saken
“huh? anong boss ka dyan?”
“teh! andito na yung customer kagabi!”
“ha? o e asan?”
“nasa studio, tumitingin ng mga pictures”
“ah, o sige puntahan ko muna”
“teka! Jamie ha?”
“tss, oo na! bruhang to talaga” sagot ko sa kanya saka ako pumasok sa studio
“good evening sir, how may I help y --” humarap sya saken at ..
natigagal ako, hindi makapagsalita.. syet!! bakit nandito ka na?! hindi pa ako ready!! feeling ko ang haggard ng itsura ko, OMG Jamie! dapat nag CR ka muna waaaaaaaa
pero hindi rin sya nagsasalita, natulala din ang loko, mas lalo akong kinakabahan eh
“Pedro” mahina kong sabi, pero dahil tahimik sigurado akong narinig nya yun
“oh my gosh! sya si Pedro?!” biglang singit ni Grace na nagpagulat saming dalawa
“Grace anong ginagawa mo dito?”
“e kasi ano.. eee! sya si Pedro?”
hindi ko masagot si Grace kaya tinignan ko na lang si Pedro
inalok nya kamay nya saken “I‘m --”
“Damon” sabay naming sabi, halata sa mukha nya na nagtataka sya bakit ko alam
“I heard you on the radio last night” sabi ko habang nakangiti
“ah, I see, so I don‘t have to repeat myself again?” tanong nya naman
tumango lang ako habang nakangiti sa kanya
“I‘m Jamie by the way” sabi ko sabay alok ng kamay sa kanya
pero imbis na ishake hands nya, hinalikan nya yung likod ng palad ko
my gosh! Pedro! ganyan ka ba talaga pag si Damon ka?!
“nice to finally meet the girl I love”
“wala na! yung dream boy ko pala pag-aari na ng kaibigan ko, tsk daya! dyan na nga kayo!” biglang singit na naman ni Grace
tumawa na lang ako sa inakto nya, tapos hinarap ko uli si Pedro este Damon
“now that you heard my side, how about hearing yours?” sabi nya
“saken?! teka ano --”
“hey Grace wait up!” bigla nyang putol sa sinasabi ko
“huh?” lumingon naman si Grace samin
“can I ask you a favor?” sabi ni Pedro
“what is it?” tanong ni Grace
“can you translate every tagalog word or sentence she will about to say?” sabi ni Pedro
tumingin si Grace sa kanya
“ganda ng translator mo ah?!” bulaslas ni Grace
“pero sige na nga, gwapo ka naman eh, okay game!”
magkatabi sila Pedro at Grace na nakaharap saken
“anu ba to, ang awkward” bulong ko
“tsk, sige na teh nang matapos na tayo dito!” sabi naman ni Grace
“do you really need a translator? I can always speak in English” sabi ko, nahiya naman kasi ako bigla kay Grace
“no, I want to have a translator, you may speak in Tagalog and I will not understand some words from you, so I need Grace here, just go ahead and start” sagot nyang may ngiting nakakaasar!
arte lang talaga ng isang to e noh?
huminga ako ng malalim
“eto na, sa totoo lang simula nung naghiwalay tayo para na akong baliw kakaisip sayo”
“here we go, the truth is since we parted ways I got crazy cause I can‘t stop thinking about you, I can‘t sleep at night, I can‘t eat --”
“hoy Grace! anong?! ayusin mo nga!!”
“ano? maayos naman ah?”
tumawa si Pedro
“it‘s not what I said! my gosh, why do you need a translator!” bulyaw ko sa kanya
“she‘s doing a great job, now continue” sagot naman nitong eeee! ano ba? naman eh!
“tsk! Grace wag mong dadagdagan na naman tong sasabihin ko ah?”
“hindi kita makalimutan, as in yung sinabi ko sayong after few days makakalimutan mo din ako, nagkamali ako grabe, I mean sa sarili ko, hindi ko pala magagawang kalimutan ka, pinakain mo ata ako ng may gayuma eh!”
nakatulala si Grace saken, o ngayon pano mo itatranslate yun?
“umm, she said she didn‘t forget you -- oh look at the time, it‘s my snack break. bye!” mabilis na sabi ni Grace at umalis na sa harap namin
nagtawanan kami ni Pedro, nung medyo nahimasmasan na kami nakangiti na lang ako sa kanya
“you know what I wished at the lantern before?” hinapit nya ako bigla sa bewang, sus maria! kinakabahan ako
“what?” tanong ko
“I wished to be given a chance do this”
KAYO NA BAHALA MAG IMAGINE KUNG ANO NANGYARI.. WAHAHHAHAHA
BINIGYAN HUSTISYA KO LANG ANG ENDING ^_^