Saturday, July 23, 2011

Chapter Four

bumangon ako, tinignan ko yung oras..

1:03am

“tsk!”

bumaba ako sa lobby, nakita ko yung lalakeng kinaiinisan ko

bago ko sya lapitan kinausap ko muna yung receptionist

“can you send an extra mattress in my room? room 312 please. just leave it on the floor. thank you”
“sure ma‘am, umm ma‘am are you sure what you‘re about to do?”

napangiwi ako sa tanong nya, hindi ko din naman kasi alam kung sigurado ba ako sa gagawin kong to.. eee! bahala na nga si batman!

“good luck ma‘am” bulong nya saken, tapos unti unti kong nilapitan yung lalake kanina

paglapit ko sa kanya, tulog na sya..
tinignan ko yung receptionist, eee! anu ba naman tong napasok ko

“uhh, hey, mister?” tapos tinusok ko yung braso nya
tinignan ko na naman yung receptionist.. waaaaaaaa tulungan mo ako teh!

“hey” niyugyog ko na yung braso nya, pero hindi padin sya gumigising
“mister?!” nilakasan ko yung pag uga sa kanya

asan sya ngayon? andito sa couch sa lobby, couch lang ha? hindi sofa, as in naka upo syang natutulog at kawawang kawawa itsura nya!

“heeyy!” tapos tinulak ko na sya ng malakas, pft! kanina pa ha! kanina pa!

bigla na lang sya tumayo kaya nagulat ako

*lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub* [a/c: isipin nyo na lang mabilis na heartbeat yan.. -_-]

napasinghap ako sa lapit namin, space! space!! I need space! umatras ako ng dalawang hakbang palayo sa kanya, sya naman nag iwas ng tingin

“sorry” sabi nya, then he run his fingers through his hair, oooohhh! >,< that’s .. ehem I need to calm my self
“sure”

“uhh, anyway why did you come here?” tanong nya tapos tumingin sa relo nya
“hey, its already 1:10, why are you still awake?” wow concern citizen si kuya?

“umm, I.. would like to invite you at my room.. -- but don‘t think of it as uhh.. -- asar! kailangan ko pang mag paliwanag sa isang to.. tsk! -- I mean don‘t get me wrong okay?”

“why did you suddenly change your mind?”
“I pity you” tapos tumingin ako sa malayo, di naman talaga eh, ewan ko ba feeling ko kasi may kung anong humahatak na saken para tulungan ang mokong na to..

“really?” tapos ngumiti sya
napasimangot ako, bakit parang may meaning yung tanong at ngiti nya?

“if you don‘t want, it‘s fine with me..”
“opps, sorry. okay, I accept your offer AND thank you” tapos ngumiti uli sya saken.. kyaaaaaaaaaaaa >///<

patawarin mo ako Christian!

sino si Christian? sya lang naman ang pinaka mamahal kong boyfriend.. opo, hindi na po ako single..

nag roll eyes na lang ako tapos pinasunod ko sya
tinignan ko yung receptionist nung nadaanan namin sya.. pft, isa din to, ang weird makangiti!

binuksan ko yung pinto ng kwarto, andito na yung pinadala kong kutson

“you sle--”

“hhhhaaahhhh!” tapos tumalon sya sa kama

“hey! no, you‘ll stay down here!” tapos tinuro ko yung kutson sa lapag

tumayo uli sya, tapos ang lapit na naman namin, nakakainis!! hindi ako makahinga ng maayos!
too close dude! too close!! >///<

ngumiti sya habang magkaharap kami tapos umiwas na uli sya saka humiga sa baba

humiga na din ako sa kama ko, tapos pinatay ko na din yung ilaw sa tabi ng kama ko
nakapikit ako, pero ayaw matulog ng diwa ko..

“Thank you” bigla ko na lang narinig tapos napangiti ako


Coz I love her with all that I am and my voice shakes along with my hands yes she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again

naalimpungatan ako sa narinig ko, ang ganda nung boses, ang lamig sa tenga, pero di padin ako dumidilat.. pakiramdam ko kasi nananaginip lang ako

You watch the season pull up its own stakes and catch the last weekend of the last week before the gold and the glamour have been replaced, another sun soaked season fades away

nagiba yung tono nung kanta, iba na ata

biglang tumahimik kaya dahan dahan na akong nagmulat

“morning” narinig ko agad na bati saken
bumangon ako, pero hindi pa din tumatayo sa kama “morning” sagot ko din

naka upo sya dun sa parang salas nitong kwarto

“did I woke you up?” tanong nya
“were you the one singing?” tanong ko naman
“yeah, so did I woke you?”
“no, not really”

wow, mukhang maganda ang simula ng araw ko ah, di sya nang iinis
“cool, so can you take a shower now? I‘m kinda hungry already, unless you intend to sleep all day?”

spoke too soon

tumayo na ako, at kumuha ng damit ko saka pumasok sa banyo

paglabas ko, nanunuod sya ng TV

“hey, finally.. where do you want to eat?” tanong nya agad, wow libre ba nya? kung makatanong!
“why? are you going to treat me?” biro ko
“sure! I just need to exchange my Australian dollar to Singapore ones”
“really?!” na excite naman ako! hindi ako gagastos ngayon ng agahan
“I mean it, come on..”

hmm, may kapalit kaya tong libre nya saken? wala naman na siguro niligtas ko kaya sya. kahit ayaw nya

“where are we going?” tanong ko
“we‘ll exchange this baby first” tapos pinakita nya wallet nya, edi sige ikaw na mayaman! pft

“umm, would you mind paying for my ride first? if it‘s okay” tanong nya
“okay”

naglalakad na kami ngayon papuntang bus stop

“you know I think you should go to another hotel, or a different location maybe” bigla na lang nyang sabi
“why?” tanong ko naman
“is yesterday your first night here?” balik na tanong naman nya, ano to walang sagot sa mga tanong?
“yeah, why?”

“figures.. last night when you left me at the lobby, while looking outside, I kinda explore the venue of your hotel.. it‘s in a ‘red district’ area if you know what I mean” sabi nya

ano daw? di ko nagets..

“you don‘t know what that means?” tanong nya nung hindi ako sumagot
umiling lang ako

lumapit sya saken, as in yung mas malapit pa kesa kagabi.. >///<
inilapit nya bibig nya sa tenga ko, saka bumulong saken

O__O eeeehhhh?! di nga?! lilipat na ako mamaya pag uwi namin!!

lumayo sya “here‘s the bus” sabi nya, saka lang ako natauhan

magkatabi kami ngayon, walang nagsasalita
pero di tulad kahapon, hindi na ako ganun ka-ilang sa kanya

medyo malayo ang Joo Chiat sa mga shopping area, parang malayo sa kabihasnan kumbaga

andito na kami ngayon sa mall malapit sa Marina’s Bridge, kung saan kami nagkakilala ng buang na to
nagpapapalit na sya ng pera nya, nagugutom na ako! bilis!!

“let‘s go” sabi nya nung nakatabi na uli sya saken
di ako umiimik, feeling ko kasi, konti pa manonose bleed na ako sa isang to, grabe naman kasi ang accent!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



may quota na po ang comments.. ilan? hindi ko sasabihin.. haha
basta pag pumalo sa bilang na yun yung number ng comments, saka ko ilalabas ang chapter 5.. though hindi ko pa tapos.. haha

mag lalagalag ako ngayon, for sure maiinspire ako, at kung gusto nyo din po ng mabilisang update.. comment please! :D

o kung sawa na talaga kayo saken sabihin nyo na.. mag eemo na lang ako sa sulok.. hahaha
anyway, sana pasado na to sa panlasa nyo.. :)

salamat po sa pagbabasa ng gawa ko..

-_- baka feel nyo naman magparamdam saken, nakikita ko kasi kayo sa stats.. may mga nagbabasa naman, kaya pwede po paki sabayan na din ng comment.. please

open po sa non-user account ang blog ko.. so pwede po kayo gumamit ng "anonymous" sa pag comment.. thank you! :D

^________________^

14 comments:

  1. nice one. nxt chapter na po ate. please!! :)

    ReplyDelete
  2. sis paganda ng paganda ang story..excited ako if ano ang magiging raction ni christian kapag nalaman na may kasamang lalaki..and take note poging lalaki ang GF nya?
    ano ba ang dahilan at bakit like namagpakamatay ni HIS? hayzzzzz...next chap na pls!

    ReplyDelete
  3. hahha! like ko ung mag-eemo ka na lang sa tabi moment ng writer.. LOL..

    pangatlong comment ako.. puro anonymous na ang magko-comment nyan..

    keep up the good work po! :D

    ReplyDelete
  4. next na po.love it

    ReplyDelete
  5. ..caaams!..c janine toh.. next chap na teh!..ahaha.. :)

    ReplyDelete
  6. hi camae! Casey here.. Cute ng story...curious n me if pano m-dvelop si HIS k HER... Exciting mgkroon ng gni2ng vacation..haha.. Di ko npanuod movie n basis u n2..ky n excite n me s nxt chap..tnx

    ReplyDelete
  7. i thought di n post comment ko knina... n-disconnect kc me after clicking the "post comment"....thumbs up camae... casey...

    ReplyDelete
  8. hayyy nagulat ako
    kala ko single siya..wahhh!
    san kaya matutuloy ito?!?
    wahh! excited na me sa next chapter!

    ReplyDelete
  9. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.. echapwera na si christian sis :D hahahaha, si james nalang :)) lol

    at pwede next chap na sis?hehe

    --claire pla toh :DD

    ReplyDelete
  10. Camae!!! kitams...??? maluhaluha si ako.. alam mo meron nakong na comment dito sa phone, hindi pala na publish.

    (-_-) I'm mad.. ahahha
    cute talaga ng chapter nato..ilang beses ko na bang nabasa to???

    excited nako sa mga funny at kilig moments na hindi sinasadya.. woahhh...

    hindi naman bawal diba, ang kiligin sa mga taong taken na namay moment sa isang super cute na stranger..

    wooshh.. we do I love them?? bakit!!!!!!!!!!!!!!
    camae ilabas mo na.. XD

    ReplyDelete
  11. ABA NAMAN! BAKIT BITIN???! BOP.

    Sino si Christian?
    Eto na naman ang mga kontrabida! Kala ko waley eh. HMP. :P

    Si sis camae, nagagawa sa poker face ni XYLA at LANCE :D AVID FAN ka talaga ng SADIST ! Bwahahaha! [AKO RIN KASI] >_<

    he run his fingers through his hair [ Mala-EDWARD CULLEN ba ito?? ^^ ]

    SIS, YUNG KASUNOD :D KABITIN.
    YUNG FIRST DATE KASI NILA EH. ALAM MO NA ^^

    ReplyDelete
  12. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    ano kayang ibinulong ni DD kay MM kaya nagbago isip niya.

    at naman manlilibre talaga si mokong!!

    ayieeeeee kinikilig ako kapag super close nila sa isa't isa.

    feel na feel ko ang presence niya sa harap ko lol (ano daw)


    - mommy

    ReplyDelete
  13. waaaaa. carina! ang h! ginawa mung watty ang blog mo. hahahaha. pero, aaaaaa!

    anu yung ibinulung ni lalake keh babae?

    at cool si babae na ngayun ang may biep habang si lalake ay brokenhearted. ooh lala! ekshayting!

    ReplyDelete
  14. waaaaaaaaaaaahhhhh!!!! pang4 ko ng try to ha... bakit ayaw mapost ng comment ko??????? sad me >.<


    uilitin ko na nga lang....


    peborit ko pa naman tong chapter na to kasi di ko masyadong nagamit ang inggles disyunari ko....



    my gulay!!!! bakit may Christian bigla??? kala ko pa naman parehong single... igapos yan kung kinakailangan, LOL!! panira ng moment eh, bago pa nga lang nagsisimula... tssss...



    ano ba kasing ibinulong kay babae at parang nagulantang sya at nagbago ang isip?? iDM mo nga sakin CAMSur..haha.. baka nasa sunod na kabanata, gora na ko...


    eksayted ako sa unang deyt nila... sana lang talaga galante si lalaki, mukha pa namang matakaw si babae.. haha..



    next chapie parating naaaaa kkkkkkkooooooooooooooooooooooooooooo.... xxD



    -thisisenLie ;p

    ReplyDelete