Tuesday, August 16, 2011

ka-emohan ko (BASAHIN NYO!!)

waaaaaaaa.. huhu

gusto ko nang tapusin ito.. hindi ako sanay na umaabot ng matagal na panahon ang FF ko
I mean yung pagpupublish ko.. hindi ako sanay na matagal bago ko sundan ng next chapter..
pero hindi ko alam kung papano ko ibabalik yung dati!!

yung dati na halos araw araw may next chapter ako, yung halos araw araw din sabog at pressured ako
di ko alam kung pano ko ibabalik yung dati..

ang laki ng problema ko sa pagsusulat ngayon! yun tatlong una kong gawa, lagi ako may mga reserved chapters, pero etong ngayon, wala! as in wala.. nalulungkot ako.. feeling ko nawawala ang writing skills ko..

lagi naman akong may nakikitang inspiration, pero ewan ko bakit parang kulang..
tapos sa mga kanta din nakakahanap ako ng inspiration, pero ang laki talaga ng kulang.. hindi ko na alam gagawin ko!!

gusto ko na din tapusin to before ako maging sobrang busy sa studies.. kasi Finals term na namin, ihinahain na samin mga case study namin na kasing tindi ng Thesis.. -____- seryoso ako, 3rd yr pa lang ako, pero On Line System na ang pinapagawa samen, Server Client pa yun.. kamusta naman at yun din ang ginagawa ng mga 4th year ngayon, pareho kami ganun? -_____- at ang daldal ko dahil ikinwento ko pa talaga sa inyo.. haha

anyway, sana naiintindihan nyo ako bakit medyo puchu-puchu ang mga updates ko.. feeling ko tuloy hindi ko namemeet ang standards nyo.. T^T

gagawa ako ng paraan para ibalik yung dati..
yung may reserved chapters ako, tapos kaya ko na uli makipag kulitan sa inyo.. nakakainis kasi, namimiss ko talaga yung dati.. T^T

pero wag kayong mag-alala, tatapusin ko to kahit anong mangyari.. kung ano sinimulan ko, sinisiguradon kong tinatapos ko.. ^_____^

ayun, salamat kung binasa nyo ito.. haha
assurance lang.. nung tinignan ko kasi yung list ng ibang On going FF, medyo napatanong ako kung bakit hindi na nila natuloy yung kanila.. :P

ayun, tama na.. haha, masyado na akong madaldal.. kung kakausapin nyo po pala ako sa FB, thru message na lang po ha? hindi po kasi ako madalas OL sa chat.. actually, never akong nagOL dun.. haha

at kung sa twitter nyo naman po ako kakausapin, okay! ^_^ lagi ko naman tinitignan mentions ko.. hehe salamat po pala sa mga nagbabasa nitong gawa ko..

sobrang appreciated ko ang pag cocomment nyo, sorry kung hindi ko kayo na-aacknowledge sa bandang baba ng chapter, excited kasi ako mag update.. haha, kaya hindi ko na naeedit.. xD

salamat po ulit. mahal ko kayo promise!! isa kayo sa mga inspiration ko, pero kulang.. haha, ewan ko kung bakit.. basta!! ibabalik ko talaga yung dati.. ;)


4 comments:

  1. that's my GIRL beh.

    naku makakapag-antay naman ako after your finals. first on the list dapat ang studies baby.

    and tama ka ang daming writers na hindi na natatapos ung story nila. basta ako handsdown pa din sa mga gawa mo.

    i love you beh.

    -mommy

    ReplyDelete
  2. bakit ang drama ni carina ngayon!!!
    sorry din at hindi ko din nababasa agad ang new chapters mo camae..tulad mo, sobrang busy na din eh. Ni tulog kulang.haha

    Ipagpatuloy mo ito huh? kung kailan kinilig na ako ng sobra, tsaka ka nagdrama.haha

    Dami mo na ngang comments ngayon. Di ba sabi ko sayo, kayang kayang magkaroon ng maraming comments.

    Marami kayang nagmamahal kay Camae. Gusto ko nga tong FF na to ehh.., wala masyadong problem at cute.

    I love the name Damon! wooh :)

    Keep writing.. I miss you :]]

    ReplyDelete
  3. Hey sisssssy! Ano ne nemen to?!
    Ano ka ba, kaya mo yan! Ikaw pa diba?
    Lagi mo sakin sinasabi, na kaya ko rin ikaw pa kaya. Andito lang naman kami sis at maghihintay sa FF mo :) Wag lang abutin ng taon ha? HIHIHI!

    Basta kaya mo yan sis, dito lang ako lagi. As always. Love you!

    Make jaevongems proud \m/

    ReplyDelete
  4. dear bebe CAMSur,


    hoy Carina Mae Nana!!!! ano ito???? hahaha..

    pinahuli ko talangang basahin ito.... kinikilig kasi ako sa pagbabasa kaya nilikdangan ko muna 'to.. mukha kasing emo (title pa lang!!! :P)

    anyways...
    hindi naman waley tong ff na to ah... light lang kasi ang approach... nasanay ka kasi dun sa mga nauna na mabibigat ang eksena at kelangang lumuha ng balde balde..haha... tapos may patay patay pa bigla.. (waaaah, naalala ko lang, di makamove-on eh,hahaha)


    basta andito lang kaming milyon milyon mong fans na nagbabasa sa ff mo... hindi man makapagcomment lahat.. alam ko havey sa kanila tong story nito... malay mo halos lahat sila nakamobile kaya hirap magcomment... intindihin mo di naman kami... (LOL! nangonsensya bigla)


    seryoso!!!
    maganda tong story nito.. at alam kong mas gaganda pa ito... (syempre, maganda ang writer eh) anong konek???? hahahaha...



    pag medyo emo ka... manuod ka lang ng happy yipee yehey at magsasayaw ka ng na na na na na na na na na na na na..hahaha..smile ka lang lagi...



    madami kaming nagmamahal sa'yo at bilib sa pagiging mahusay mong writer!!!!!!!!!!!!



    hahaha...



    LABYU BEBE!!! xxD



    xoxo,
    ate maeLie/thisisenLiexx ;p

    ReplyDelete